NAVIGATION

Saturday, 31 December 2011

HAPPY NEW YEAR!

                  
                   
                   

Sana wag magbago yung mga taong important sa atin ngayon! Don't try to make them the perfect persons, because that's the reason we became connected to them.







Friday, 30 December 2011

Dec.29, 2011 (9:07P.M)



To love someone is to wish for that person’s happiness whole-heartedly.

Fuu. K. Unforgettable night. Unforgettable day. Unforgettable happenings.

Last night, nabuking lalo yung kaplastikan natin dahil sa isang tanong. And I wouldn't mention that. haha. Tapos ngayon naman, naisip natin lahat ng mga bagay sa paligid natin. Ay grabe. Speechless ako sa mga text at chat paminsan kase namemental block ako. Whatever it is na masasabi ko ngayon, sana maintindihan mo. Lol. Malabo kase ako kausap paminsan. Alam mo na. :) Continue to smile like you always do. Mas cute daw kase pag-ganun. Gift nga pala to ni PAULA. K. Na kahit ayaw niya ako paniwalaan na wala akong gusto sa bespren ko, ok lang. LELS. Alam ko naman yung totoo :D  


HOY JL, 


Bakit ang sungit sungit mo paminsan? Paminsan naman bumabalik ka sa happy-go-lucky side mo. Anube talaga. Haha. Mood swings pre? Let's deal with it. Nakakatuwa ka kase. BV tayo palagi pero natatanggal un kapag nakakita tayo ng isang bagay na nakakadisturb. Tapos ngayon (11:19) Paulit-ulit yung chat natin."Inaantok ka na?" "Di.Na-bv ako eh. Nu gawa mo?" "Download music. Kaw?" "Wala." "Inaantok ka na?" "Hindi.Kaw?" "Indi." "Anu gawa mo?" "Binabasa blog ko.kaw?" "Dadownload music." Ay pugee :)) Pinaka-may sense na chat natin to bespren. BAGONG ACHIEVEMENT. HINDI  TAYO NAGFAIL :)) k. Ayoko pa matulog sa totoo lang. Kase may iniintay pa akong text. lololol. K. bye.




29/12/11


>:O Di ko alam bakit ko to pinichuran pero, natuwa ako kase sa bahay na to, minsan ka lang makakakita ng ganyan ka liwanag yung sikat nung araw. Kulong kase ako dito sa house. Haha. DI ako masyado lumalabas except for school at for Occasions. 






"BEST MOMENTS are spent with the BEST PEOPLE here on EARTH. And THEY still DO EXIST."

Kahapon, ang saya-saya talaga. Mcdo, pumunta ng SM CENTER para maglaro. Sabi ng bespren ko, IMBA daw ako magshoot. Shooter daw ako. haha. oo. PEYBORIT ko kasi laruin yun sa Shakeys kaya ayun. Pero sumakit katawan ko kagabi. :D Worth it naman. Tapos from Tom's World, nagQUANTUM kami, nagVIDEOKE. haha charooot X) Hirit kung hirit eh. Ang taas kase magbigay ng SCORE nung machine. 100,99,97,92,91. Pero bago yun, nagkatampuhan kami ng onti ng bespren ko. Pinilit ko kase cia kumanta eh. Gusto ko lang naman marinig ung boses niya. Actually, narinig ko na cia kumanta pero mas masaya kapag nilalabas niya yung boses niya sa iba. Tsaka namiss ko na rin sila eh. So gusto ko memorable yung 29. And nafulfill naman un. Sayang nga lang di ko napalitan yung ticket. haha. Binigay ni Lanto, awshuuu. Salamat dahil dun. Appreciate eh :D Tapos dun din sa handkerchief na naiwala ko, salamat Jl :D sorry na rin. Rainne, and Jeanne, salaaaamaaaat kase pinagbigyan niyo ako :> always remember na hindi lang sila yung lagi ko iniintindi, syempre anjan kayo no. Then nag-yellow cab na, takutan. SEGUNDA MANO daw ang door hahaha :)) Bukas kase ng bukas mag-isa :O Buti na lang. Tapos ang lamig lamig pa. Haay. sana maulit.



Tuesday, 27 December 2011

Sa birthday ko..

1 day na lang. Ayoko pa. 


Kagabi at ngayon. Ang daming suspension. Ang daming disappointments.

Haha puge. Alam niyo ba, paulit-ulit na ako humaharap sa salamin? Tinatanong ko yung sarili ko,

"Bakit kaya may mga taong magtitiis para lang makapunta sa birthday ko?"
"Bakit may mga taong handang magkunwari para lang masatisfy yung gusto ko?"
"Bakit may mga taong magmemake time kahit na busy sila para lang makaattend sa birthday ko?"


Papahirapan ko pa ba kayo? Ayoko ng ganun eh. For once, wag niyo ako isipin. Hindi ako perpektong tao. I have my limit. Nagkukunwari ako na ok lang sa akin na wala kayo or di kayo makapunta kase alam ko may rason kayo. Pero to tell you the truth, OO NAGPAPAKAPLASTIK LANG AKO. SA TOTOO LANG, AYOKO NA WALA KAYO SA BIRTHDAY KO. GUSTO KO MAGING MASAYA KAYO SA ARAW NA PINANGANAK AKO. Nagplano pa nga tayo. Actually kayo pa una nakaisip na magcelebrate. Pero ok na, na-settle na. Tuloy pa rin ang birthday ko.

Salamat kay sir Jeff :) Ayos na naman lahat. May oras na nasabi ko na napapagod na ako sa kakaintindi. Pero yan ang trabaho ko. Bilang kaibigan niyo, adjust ng adjust, intindi ng intindi, may magagawa ba ako? Alangan namang ipagpalit niyo ako sa sarili niyong pamilya at reputation? Syempre masaya ako na ganun yung pagpapahalaga ninyo sa pamilya.

Heto na naman. Magmemessage ako uli.

Dreff,

        Sorry talaga sa pang-iistorbo ko sayo. Nakukulitan ka na ba? haha. Sorry ah. Pero kahit na alam kong busy ka tapos sa umaga may pupuntahan ka, sa hapon makakapahinga ka pa dapat kaso imbes na yun yung gawin mo, pupunta ka pa sa birthday ko. Nako. Haha. Pagpasensyahan mo na sana ako :)





Those days...

Admit it. Nung bata pa tayo, akala natin ang saya maging High School. Na gagala kung san san, ang sarap ng buhay. haha. OO, nung bata ako, ginusto ko na sana tumanda na kagad ako. Kaso ngayon naman parang sobrang bilis ng oras. Na humihingi na ako ng time machine para ibalik yung pagkabata ko. Malapit na ang 29 haha 13 na ako :) ayoko pa. 

Saturday, 24 December 2011

Mga ginagawa ko :))


Ang kulit eh. May flat-iron pa, bukas pa nga ata yan. Tapos yung keyboard ng laptop ko, di na gumagana kaya may naka-separate na keyboard. Tapos yung laruan ko nung bata ako, ginawang drawer ng mga ipit ko, gawa ng yaya ko. HIHI. Tapos yung makalat kong kwarto, puro wire na. Yung remote pa nasa table ko. Para sakaling matakot ako, matic bukas kay tv :">

hihi.kita si bloggu. dami tabs :)

kitang kita yung mga kalat ko U.U pagpasensyahan niyo na. uy. nanjan si POOPSIE :>

Busy ako eh. :>



Nabad trip ako >:|

Kasi...
Kaninang hapon, naiwan ako mag-isa sa bahay. At dahil nga naaalala ko yung mga takutang ginawa namin ni bespren, tinawagan ko siya. Tapos binuksan ko lahat ng gadgets na makikita sa kwarto ko. Pati ilaw sa labas nakabukas >:D Kaso loko si bespren. Lalo niya pa ako tinakot habang sarap na sarap siya sa kain. "SHOBY DAW SHOBY DAW." Di naman ako inaapektohan. Hmp 

Tapos TAGALOG na nga yung salita ko, wrong grammar pa ako :(( Anu ba problema ko~! HAAY. Tapos habang nag-uusap kami sa telepono, naghahanap ako ng themes para sa Corby ko. (Ang corby ay cellphone) Tapos nalowbat yung wireless telephone namin. Edi nagbabye na, maya-maya, kinalikot ko ung cp ko, tapos napindot ko yung RESET ALL SETTINGS. FUUUUUU!!! NABURA LAHAT NG FILES AT NUMBERS ng mga tao. Tapos yung mga natira lang sa inbox ko, messages galing kay, Angel, Jl, Paula, Dreff, at Lea. >:( yung kay Sir Jeff nabura din. Edi lalo ako naghisterical. BUTI NA LANG, nag-online si Jl at sinabi niya. Tapos natawa na ako sa reaksyon ko. Kase before niya magonline, super bad vibes ako, then maya-maya tawa na naman ako ng tawa. Pero mag-aaral na talaga ako ng Filipino language mas maigi para di na ako magkamali.

Nga pala,

"ADVANCE Merry Christmas~! 8 hours to go!"

Friday, 23 December 2011

Rolling Star ☆ By Chance

Hi JL :)

(`) Habang nagchachat tayo, at di ko matapos tapos ang post na to dahil nga nagchachat tayo, yesu. Paulit-ulit na ako :)) Naadik ako sa EMOTICON na to (`)

At dumeretso na nga tayo sa topic ng mga WEIRDO. Nagkahawaan lang naman tayo dba? Patas lang. Adik ako sa mga text mo, at adik ka sa mga post ko sa blog :) Tapos, lagi tayo nagkakawalaan ng necklace. Yung bigay ko sayo, tinatago mo sa kung saang parte man ng bag mo. Yung necklace ko, tinatago ko rin kung saang parte ng bag ko, tapos magahahanapan na tayo :)) Parehong-pareho tayo eh. 

Ngayun-ngayon lang. I asked you why are you so silent. At ako naman ang opposite mo. Sobrang energetic ko. Di mo siguro napansin pero 2 times mo na ako tinanong kung bakit super hyper ko. 

Two reasons. 
dahil namiss kita at kausap na kita. Pangalawa, kase dun sa pinuntahan ko, sobrang tahimik ko at wala akong kakulitan. Umatake lang siguro yung kakulitan ko nung nakausap ulit kita ng matagal.

Yarn bespren. yung picture sa taas yung original sketch ko sayo. Tinext kita diba? Actually GM yun, kaso nagfail ang signal sa province. LOL :) kaya ayan. Sayo ko lang na-send. Nakalagay dun:
"GM| At dahil namimiss ko na si bespren, wala akong magawa kundi idrawing nalang siya."

Sanay ka na naman sa failures ko eh :)) 

Dre, Merry Christmas! Siguro panahon na para magbago tayo no? Ay, ako pala yung dapat magbago. Kase ikaw, as a SUPERFRIEND, sapat ka na. Pinapagawa ko sayo yung mga imposibleng bagay. Superman? Mabait ka, so far, 1 month and six days pa lang tayo magbest friend, haha. 

Alam mo ba bakit Nevermore|MyRollingStar yung pangalan ng blog ko? 

REVELATION:
Ikaw yung Rolling Star na tinutukoy ko. Yesu. Kase katulad nung sinabi ko sayo nung binigay ko yung necklace, "You opened my heart to many opportunities." Actually lahat kayo. Pero to be honest, ISA KA SA MGA TAONG kahit gaano ako napahiya, alam ko na tatakbo ka tapos babanatan mo sila. Kani-kanina lang nabad-trip ka pa saakin kase sobrang KULIT KO (ノ ̄ー ̄)Pero NEW YEAR'S Resolution ko ang magbago. Promise, hindi na kita tutuksuhin sa iba. Tsaka di ko na rin ipapares sa iba si bespren :) To tell you the truth, akala ko di mo ako maiwasan dati kase nagpromise ka sa akin nung nagkausap tayo sa telepono. Sabi mo: "Tutulungan kita promise. Promise talaga. Tutulungan kita hayaan mo." And by that time, sabi ko, what if matapos yung pasensya niya sakin? Paano kung magsawa na siya na kasama ko? Halos araw-araw na lang puro problema bigay ko sa kanya. Kapag nababanggit ko to sayo, magsasmile ka lang tapos sasabihin mo, HINDI YAN.. tsss... tapos new topic na. 

Yung NEVERMORE| naman, kayong lahat yun. Kayong lahat na nasulat ko na sa blog na to. Nevermore.

N-ice
E-xtraordinary
V-ictorious
E-ccentric
R-andom
M-issed
O-nce-in-a-lifetime
R-are
E-asy-going

Alam mo, if I had only met you earlier, siguro iiyak talaga ako kapag di tayo naging magkaklase ngayon :) Ang laki ng pinagbago mo. At ikaw talaga yung inspiration ko :) Bilang bespren, tandaan mo na lagi lang ako nandito tsaka pagmay problema ka, alam mo na. hahahaa. PAWALAN ANG PAGKABADTRIP bespren. Merry Christmas at Happy New Year in advance :)


"But you’re smilin’ & it’s something’ i like
on your face, yeah it suits you
i don’t know why
I’m drawn to you
Could you be the other one so we’d equal two?
and this is all based on a lucky chance"
--By Chance/


Tuesday, 20 December 2011

PROUD AKO!

Kaninang hapon...

Habang sarap na sarap akong tumititig sa inuming to :)

Napag-isip-isip ko. Ano bang magagawa ko sa bakasyon? Ano ba mangyayari? Ang lungkot naman. Tapos bigla na lang ulit pumasok sa isip ko, may cellphone naman ako, itext ko kaya sila? Tapos lahat ng mga nangyari this past few days, nagflashback. 

HAHA. Ang non-sense ko. Alam niyo...
I'M

PS: Kung kaya niyo tumulong sa mga nasalanta C: Tulungan niyo. Kasi mas nakakaangat tayo. So please lang, kung pwede nga lang ako magdonate eh. Kaso walang time. Cge na :) BYE






Promise.

Sabi ko hindi na ako magdadrama. Kaso di ko mapigil. Namimiss ko na yung mga kaklase ko kahit na ilang araw pa lang yung nakakaraan. Lalo na si Jl. Kahit naman magkausap kami sa telepono, sa sobrang tagal, parang iba talaga kapag di mo nakikita o nakakasama. Bakit ba kase walang time machine? E kung meron, edi sana, di na tayo mahihirapan sa history. Pero, oo nga naman. Kung may time machine, ang hirap din. Wag na lang kwestsyunin yung mga ibinibigay ni God. Kung may abilities man ang isang tao gumawa, nakadepende na to sa kanya.

Bukas. 3 AM, gigising ako. Aalis kami ng 4 AM on the road to Pangasinan :) Di ko makokontak ang mga tao since naubos si UNLI. aww, try ko dalhin si mahal kong laptop :) Mamimiss ko yung piano. Bye :)

Takutan /:(

Kahapon, nagtakutan kami ng bespren kong mokong na si Jl. :) Through cellphone pa yun ah. Dual Sim siya, ako inde. :( O kay lungkot. 1 peso per text, unli nga ako, di naman gumagana. FUUU.

Hahaha, Nagtaka lang ako. Bakit ganun tayong mga tao? Pagnanakot tayo, sa bandang huli, tayo rin yung matatakot :D Ganun ka-complex ang buhay? Pero sabi nga nila, ganyan talaga. Walang thrill ang buhay kapag walang emotions :))

Naalala ko tuloy yung nangyari the day before kami mag- Christmas Party :O Nagkaroon kase ng biglaang decision during dismissal ang mga mahal naming sir :) Sabi nila sumayaw daw kami para naman may entertainment portion sa Party kinabukasan. AT UMIRAL SAKIN SI PAGKA-IMPULSIVE. Nasaktohan pang may mga talent in dancing ang mga natirang tao sa classroom. Hayun. E di ok na, sasayaw na. Problema music. Si Jl, sumingit. Sabi ni Jl kay sir Jeff, "Sir! Burlesque na lang kaya?" (PS:Magaling sumayaw si bespren. sample na yan >:D) Payag naman si Sir Jeff since alam niya yung song and dance. LOL. Ang galing ng teacher namin :D

Edi nagpractice, kaso di talaga namin ma-gets haha. Umalis na rin si sir after niya pagpawisan to get ready para naman sa Christmas Party ng mga teachers :) Sumabay na pauwi si Dreff kay sir. 

APAT na lang kaming natira :( Ako, si Jl, si Anna, at Vedeo. Umalis na kase kagad si Lea after kumain. 

Di kami kumain ni bespren :)) patibayan ng sikmura :O Tapos mga 1:20 nagstart magkwentuhan. Circle kami tapos takutan. KILALA NIYO BA SI TOBY? Yung sa Paranormal? HAHA. hebiiii. Nung una tatawa tawa lang kami. Kaso nung medyo dumilim na, wala na. Sigawan at takbuhan :DD 


Di na muna ako magpapaiyak ng tao, 9 days na lang birthday ko na, tapos 5 days na lang Christmas na :D Mark your calendars mga pre :) 




Monday, 19 December 2011

F-Independence

Nagpromise ako sa isa kong KAIBIGAN. Sabi ko, gagawan ko ng POST ang BAWAT kaklase namin :D Kaso lumilipad at pakalat kalat si katamaran. :(( Ayun, so lalahatin ko na lang.

Ngayon lang ako naka-experience na pagpapasok ako sa classroom, tatawa ako agad. Para bang nababaliw na. Kase, sa klaseng to, di ko naranasang MA-OP o MALUNGKOT ng sobra. Oo, paminsan drama, away, gulo, landian, pero that's what makes up a High School Life. Marami mang magsabi na malandi ako dahil puro lalaki kasama ko, bakit? Alam ba nila kung ano yung pinag-uusapan? At agree ako na magkaiba talaga ang babae at lalaki. But sometimes, we all cry for no reason.

"I hope one day you will have the experience of doing something you do not understand for someone you love."


Ano nga ba ang love?


Eto ba yung pakiramdam na tumitibok-tibok yung puso mo pagnakikita mo yung crush mo or kinikilig ka in short? Eto ba yung tumatayo yung balahibo mo makita mo lang siyang ngumiti? Para sa akin kasi hindi. Ang love, random yan, napakasimpleng bagay na ginagawang kumplekado. Na para bang mas gugustuhin mong makasama yung mahal mo at ipagpapalit sa mga kaibigan mo :) Pero syempre, ang crush, love, friends, pagmamahal din naman yan eh. Hindi nga lang nagkakapantay-pantay yung pagbibigay mo ng love sa bawat isa. Edi sana hinati hati na lang yang puso no?

Ngayon masasabi ko na, MAHAL KO TALAGA ANG INDEP.
First day, first impression. Mahirap makisama, halo-halo, magulo. Pero bakit ganun? Saktong pagpasok ko, unang tapak sa classroom, "WOW. Parang ang saya naman dito." At hayun na nga, naging maluwag ung pakiramdam ko. SOBRANG KOMPORTABLE, ang sarap sa pakiramdam. Tapos nung lumabas ako saglit, nakita ko papasok na yung mga teachers sa kani-kanilang classroom, (si katangahan ay nagpakita) Sa sobrang pagmamadali ko, IBANG CLASSROOM PA YUNG NAPASUKAN KO. HAHA.

Edi eto na nga. Pasimpleng walk out. Ang kinatatakutan ko, introduction. Lagi kase akong nanginginig kapag tumatayo ako sa gitna. Parang konting tulak lang sa akin mahihimatay na ko. Pero worth it yung pagpapalakas ng loob ko. Kase dun ko nalaman na hindi lahat ng tao hinuhusagahan at nanghuhusga.

Marami akong naging kaibigan sa Indep. Sa totoo lang, halos lahat naman sila kaibigan ko. Pero kung di ko siguro sinabi yung "Tawagin niyo lang ako, tutulungan ko kayo.." di niyo rin siguro ako papansinin? :) At alam ko.

"I didn't have any regrets on our first day, still no regrets on the 2nd day, 3rd day, 4th day, until forever."

Lahat ng nangyayari may dahilan. Kaya sa mga kaibigan ko sa Indep, sa mga kaklase ko sa Indep, kay Vedeo, Lea, Anna, Paula, Rainne, Regina, Jl, Rheann, Aira, Keisha, Danielle, Juan Mig, Dreff, Geremy, Diego, Zac, Knoll, Noel, Ish, Jared, Hannah, Neil, Ej, Marinus, Ate Pam, Marinel, Geraldine, Mikael, Joneina, Mikah, Karen, Rose Anne, Markiel, Yumi, Cynthia, Hapi, Dareyll, Larisa, Jomari, Victor at Sir Jimai, SALAMAT PO TALAGA. Magtatapos yung 2011 na MASAYA AKO at PROUD AKO na KAKLASE KO KAYO :)


Sunday, 18 December 2011

Nagpapakasipag ako :D

Dahil nga na-bored ako, sinipag ako mag-drawing. At dahil na-inspire ako sa isang tumblrista na nakita ko :) NAPAGPASYAHAN KO (ansabe:)) ) na gumawa ng bagong drawing style. Isa lang pala to sa mga kakayanan ko kapag nabobored ako :)) Gusto ko sanang i-post yung drawings ko nung bata ako kaso nasa locker. Naka-compile sa isang folder. Palagay ko naman nag-eevolve na ko? :DD

Ay, salamat sa mga 'pumuri' sakin. lololol. Sa IDOL ko. haha. Daniel >:D Salamat. Sa pinsan ni Daniel na si Maki, sa kaibigan namin na sila Jolene (oldy~!!) at si Mikah :D k. Si Daniel talaga gusto ko makasama magdrawing :3  Pati sila Jeanne, Jolene, at Regina :)



First time ko mag-drawing na malinis tsaka may COLOR. :) Naalala ko kase nung bata pa ako, gusto ko talaga matuto, tapos mahina ako sa drawing at sa coloring. Yung sketchpad na yan, galing kay Angel :D Inupload ko to sa fb kaso low quality na :( Di bale, marami naman naglike hihi :"> Lahat ng bagay na makikita sa loob ng drawing, may sini-symbolize.

Una, yung teddy bear. Nung bata ako, gusto ko ng teddy bear. Kahit walang pera, basta may nagreregalo sa kin ng teddy bear, sobrang kakapitan ko tapos tatalon ako sa tuwa.
Pangalawa yung HEART na may 17. Ang drama kase ng araw na yan eh :)
Yung APPLE na may kagat. Naalala ko nung 7 years old ako, nahulugan ng mansanas ung ulo ng pinsan ko HAHAHA XD tapos sa sobrang gutom niya, kinain niya pa. YAK. Dandruff ahhaha dejoke lang :))
Yung LIGHTBULB. Magaling ako mag-solve ng problema ng IBA pero pag sa akin, wala na. haha. Tsaka nung elementary days ko, "KNOWLEDGE and SCHOOL are my PRIORITIES."
Yung Music Notes. Mahilig ako mag-piano. Di ako mabubuhay ng walang music. <3
Yung INDEP, section ko yaaan :) Mahal ko yan.

Yun lang naman. haha. k. random ko. bye. :D


Not in itself

Hi RAINNE :D

Para kang ULAN.Kase, pabigla-bigla ka lalo na sa mga desisyon mo. Paminsan, natutuwa kame pagnandyan ka, pero madalas, nadadamay kame sa kalungkutan mo. Di namin alam kung kelan ka susulpot. Nababaliw ka tuwing may problema, nase-stress ka tuwing may iniisip ka, tawa ka ng tawa sa mga bagay na kahit sobrang babaw eh di mo mapigilan yang smile mo. Pero may sasabihin ako sayo,

"You'll never realize how much you like that person till you watch him like someone else."


Baliw ka rin eh :) USO KASE MAGSABI NG PROBLEMA AT MAG-OPEN UP. OO MALOKO AKO, PERO alam ko kung kelan ako MAGSESERYOSO. Kung akala ninyo na hindi ko kayo matutulungan kase idadaan ko lang sa joke at sa tawa yung solusyon sa problema, well, parte yun nang gagawin ko para at least kahit papano mapasmile ko kayo. Pero pag di effective, edi mag-iisip ako. Sabi mo nga magaling ako mag-analyze.. alam mo ba na nung sinabi ko sayo na masaya ako dahil kasama ko kayo, totoo yun at halos umiyak pa ako? Kase may isang taong nagtanong sa akin, importanteng tao siya, dahil kung hindi dahil sa kanya, siguro di rin ako magbabago. Lahat kayo naging parte ng pagbabago ko. Can you stand having your real self not being accepted? Di ba masakit pero tinitiis. Rainne, masayahin ka at that's one of the reasons kung bakit nagkasundo tayo. Mahal ka namin SOBRA. At sana..

There would always be a SUNSHINE in your SMILES and LAUGHTER.







Hi baliw.

Lea :)) Alam ko umiiyak ka na ngayon. These past few days, nag-oopen up ka na sakin. At first, akala ko talaga naiinis ka sakin. Lalo na nung may narinig akong SOMETHING na sobrang na-offend ako. Pero ok lang, no one's at fault. Kanya-kanyang pananaw sa buhay, kanya kanyang perspective :D Alam mo ba, nung first day, EPAL AKO? Nag-appear ako sa masayahing epal na wagas maka-smile. Naging mysterious ka, pero there's something about you na NAINTINDIHAN ko, at may part din dun na GINUSTO ko na MAGING KAIBIGAN MO. Nagugulat ako kapag nag-aabsent ka, umiiyak ka, at hindi mo na kinakaya. Alam ko hindi rason yung "Pagpapacheck-up mo sa doctor" tuwing absent ka. There's a deeper reason to it. Na-ho-home sick ka. Nung AP, BALITAAN, absent ka pero ikaw dapat yung leader. Napasa sakin yung gawain kaya RUSH HOUR ako. Haggard eh. Haha pero worth it yung pagod ko. Kase alam ko na mas bagay ka magreport. Naalala ko nung CLVE time, sino yung pinakapinag-kakatiwalaan mo. At sumagot ka ng:

"Si Elay po." 

At pagtapos nagsmile ka :) Nagulat ako, pero yun yung pinakapaborito kong sinabi mo.

BALIW KA, LOKA KA, CHAROT KA, IMBA KA, pero mahal kita :D

Minsan pa nga, may napag-uusapan tayo na nalilito na ako sayo haha.

Ganto ka oh: 

Pero laughtrip talaga pagkasama ka. Kayong dalawa nila Vedeo, samahan pa nila, Aira, Keisha, Juan Mig, Dreff, Anna, sus. BAKIT KAILANGAN PA NG RASON PARA MAHALIN ANG INDEP? Don't state the OBVIOUS na no. :) Sabi nga nila...

"Teenagers aren't monsters. They're just misunderstood."

Yaan mo na, someday. Makakasama mo rin yung mga taong mahal mo:) GOOD LUCK LEA, mamimiss ka namin kapag umalis ka so wag kang aalis. HAHA.





Saturday, 17 December 2011

At dahil..

"Ang photographer/president/VEDEO."


Hi Vedeo! haha. kbye. Dejoke lang :)) Alam mo ba, ikaw yung una kong napansin nung grade 1 tayo? Nagulat nga ako ngayong magkaklase tayo ulit. Parang ang laki ng pinagbago mo :)) Pinagkakatiwalaan ka ng Indep, at halos araw-araw tawa kami ng tawa dahil sa mga SIDE COMMENTS, VIOLENT REACTIONS, at mga JOKES mo. Kaya ka namin MAHAL. Masyado kang bayolente, in a good way (ANUDAW!?) haha. Lagi kayong nag-uupdate ni Lea para sa ikatataas ng grades namin. Lagi kang nakikisama at nakikidamay sa amin. Ikaw yung pinaka-boses ng indep :) Di ka natatakot, di ka nahihiya, that's the best thing about you. Nakakahawa yung tawa mo :)) Ewan ko pero, kapag nang-aasar ka, di ka naman nakakasakit emotionally :)) Sabihin na nating, ISA KA SA MGA, "ONE-of-A-KIND" na nakilala ko :)) Sana hanggang matapos ung HS life, ikaw yung President, may FUTURE EH :D Ang galing mo nga pala mag-blog. IDOL! FANTASTICKID|TUMBLR. Sino bang mag-aakala na may hidden talent ka pala bukod sa photography? Yun lang, Merry Christmas Vedeo! 


Paminsan lang naman.

Paminsan lang naman ako magpost tungkol sa yo, kaya lulubusin ko na :)


Pare, December na.

Nagbago ka na. Mas madami na nagkakagusto sayo. Oh, wag lalaki ulo, kagaya ng sinabi ko sayo dati :) Pumopogi ang mokong :D ansabe? haha. Pero seryoso, maganda yan. Kaso ako ang sumasakit ang ulo. Dahil sa akin sila nagtatanong. Pero ok lang, kase proud ako sayo :D Lagi ka na mag-ii-smile. Mas cute kapag ganun. Wag masyado magiinit ulo ah. Tsaka salamat sa kahapon, sa isang araw, nung sembreak, nung isang gabi, sa lahat ng oras na tinulungan mo ako at nakasama kita. Naks. Di ako mag-goo-goodbye since ayoko nga ng goodbye. Matalino ka and you know how to use it properly. Hindi ka kagaya ng iba na pinagmamayabang pa. Minsan lang kita makita na gumamit ng emoticons pero kapag gumamit ka sobrang cute naman :D Gentleman ka in your own way, mabait ka in your own way, you know how to balance yourself ngayon, at tutulong ka kung kelan dapat. Sumusulpot ka sa oras na eksaktong kailangan kita. At kaya ko to sinulat kase para malaman mo na hindi lang si Jl, or si Sir Jeff yung pinakikinggan ko or na-aappreciate ko. When in fact, marami kayo. Di ko nga lang naipapakita kase mahirap talaga. Lalo na kung lantaran. Pero sinabi ko naman sayo na kung kailangan mo ko, andito lang ako, magsabi ka lang. Wag ka na magpupuyat ah, pero alam ko di mo mapipigilan kase nagrereview ka :)) Sige na, good luck na lang sa future. You'll be happy soon. More blessings to come dre :D

smile lang ng smile :DD Mamimiss ko yung away natin haha. Good luck ulit Lanto! Merry Christmas

Thankful ako kase...

sabi nga nila:
"Just because GOD doesn't answer your prayers, doesn't mean that HE'S not listening. He just got something BETTER in store for YOU."


Christmas party kanina, at kahapon nakapag-rush hour pa ako sa MALL. Nasa SM ako kahapon, baka nakita niyo ko :)) Bumili ako ng damit. NAPILITAN lang talaga si INAY. haha. Napilitan yung mama ko na payagan ako na AKO YUNG PUMILI NG DAMIT. Kase nung elementary ako, siya yung bumibili ng damit ko. Mula ulo hanggang paa. At nung mga years na yun, sobrang ARTE talaga ng damit ko. PALDA, Long sleeves, High-Heels, stockings, ribbon. Oo, GIRLY AKO SOBRA. Pero ngayong HS, naisip ko, hindi naman ako yung ganun ka-girly. At gusto ko simple, pero natural. Hindi ako BOYISH, pero kung yun lang yung way para mapakita sa kanila na hindi ako maarte or malandi, edi un. :)) Nahiya tuloy ako bigla. HAHA. ANO BA KASE YUNG KALOKOHANG GINAGAWA KO. Pero at least, napakita ko na YUN AKO. So wala nang sama ng loob. Tapos na yung AWAY, tapos na yung GYERA, tapos na yung INTRIGA. Sana tuloy-tuloy na. WISH KO?

Sana, yung taong gusto kong magbago, tuloy-tuloy na, sana maging maayos na yung pakikitungo niya sa mga tao, sana hindi na cia palaging impulsive. Kase kahit naman may mga nangyaring mga bagay na medyo malabo, ayun, mabait pa rin naman cia.  At sana, manalo yung INDEP :) Stay like that. Gusto ko sana maging INDEP hanggang mag-graduate kaso.. haha. Gumagalaw yung oras eh. Kung may time machine lang.

yung necklace :D

Bago ko makalimutan, Happy 1 Month sa Bespren ko :) 1 month na kami mag-bespren :D

Siguro nagtataka kayo kung bakit importante samin. Kase, usually, bago mo matawag na best friend, it takes 1 year, 2 years, minsan nga more than pa. Pero eto, di namin napansin na ganun na kami ka-close sa 1 month. 17 eh. :D 

Dami kong na-hug kanina :>

Dreff, Jl, Geremy, Jared, Anna, Rheann, Rainne, Ate Pam, Lea, Corinne, sa mga nakita kong FORMER classmates, Jolene, Jeika, si Jeanne hindi pumunta :| di ako nakakain ng ice cream tuloy :(( 

Sabi nga ni Dreff:

"How can you follow your dreams if you can't remember it?"

pero syempre: If you're determined, no matter how hard you can't remember, you will forcefully be doing it without knowing. Kaya never give up :) 

Merry Christmas :)

11 days na lang, birthday ko na C:






Tuesday, 13 December 2011

At dahil nga...

gift ni BESPREN 

|Mahirap gumalaw sa mundong pinapaikot ng mga taong nasa paligid mo, pero sabi ni sir Jeff...|

It's not my duty to please them. HINDI ako nabubuhay para lang mapasaya sila. Which is true naman. 

I never wished for somebody to stay just because i say so. i just wanted someone who will stay even though i was pushing him away.

Hindi ko sinabi na gusto kong mapalayo sayo, in fact yung kabaliktaran nun yung gusto kong mangyari. At masaya ako na kahit ganun, kahit na nagpaplano tayo na layuan yung isa't isa, kahit na naka-ilang last day na, wala pa rin talaga. KASE HINDI NATIN KAYA. Actually, hindi na ako takot na tanungin nila tayo kung "Tayo ba." kase alam naman natin yung totoo. Sabi mo nga: "Bespren kita, kahit anong mangyari bespren parin kita. At damay damay lang yan.." 

TO be honest, naiinggit talaga ako sayo, insecure ako sayo, nagseselos ako sayo, kase kahit na sinasabi mong NABAGO kita for the BETTER, at nakakahawa yung KABAITAN ko, MAS MABAIT KA AT MAS BINAGO MO AKO. Sabi mo, IMBA ako na best friend. Matalino, IMBA sa Piano, IMBA sa LETTER, CUTE PA, geh. binuking kita :))) Pero seryoso, kung wala ka at hindi kita nakilala, hindi siguro ako matututong magpahalaga sa mga bagay-bagay.

Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto baguhin yung nakalagay sa Christmas Tree natin sa classroom. Yung wishlist, gusto ko ilagay dun:

1) Sana araw-araw kita makikita para naman hindi ako nalulungkot.
2) Sana nakilala kita nung bata pa tayo.
3) Sana mas maintindihan tayo ng mga tao.
4) Sana best friend pa rin kita hanggang pagtanda.
5) SANA MABAYARAN KO LAHAT NG UTANG NA LOOB KO SA YO.

Magpapakatotoo ako, hindi ko talaga ineexpect na magiging ganito tayo ka-close :) Wala akong ineexpect. No worries, no problems, pero kung wala yung TAMPUHAN, wala yung BIRUAN, wala rin namang TAWANAN, at IYAKAN. At pansin ko lang, kapag umiiyak tayo, dahil rin yun sa magandang dahilan. Salamat sa araw-araw mong birthday gift sakin.

Kapag nandyan kayo sa tabi ko, sapat na yun for EVERYDAY CHRISTMAS, at EVERYDAY GIFT :)

JL :)

-Salamat talaga nandito si Sir Jeff :D




Sunday, 11 December 2011

4th Letter that won't do.

Fact number 1: Madaya ako as best friend.


-I've been looking under rocks and breaking locks.

Dahil malapit na si Christmas, naisip ko na di ako kontento kung letter lang yung ibibigay ko sayo. Mandadaya na lang ako :)) Surprise na lang kung papano :)

Fact number 2: Masaya ako palagi.


-Kase tuwing gabi, ka-chat kita, at jan sa epic mong salita, ako'y natutuwa (nuks.)

Naalala mo nung lagi ako tumatawa makita ko lang yung pagmumukha mo? GANUN KASE AKO KABALIW SAYO :)))

Fact number 3: Mixed emotions ako pagkasama ka.


-Di ko alam kung tatawa ako, iiyak, mashoshock, tatalon, or kung ano mang emotion.

Weirdo ka kase kapag kausap mo ko :)) AMININ. Tapos madali ka pa magtampo di mo naman kaya panindigan. May regalo ka sakin, ayaw mo naman sabihin, surprise daw :)) PERO, ang sabi ng clue mo, KASING CUTE MO to. HAY bespren. Kaya kita mahal eh >:D

Fact number 4: I'd risk anything but not everything.


-Syempre. Kagaya ng sinasabi ko tsaka sinasabi nila palagi, swerte ako sayo. Ikaw na yung kaibigang HINAHANAP ko. Nangarap pa ako na pumunta sa iba't ibang parte ng mundo makahanap lang ng gaya mo. TAPOS ETO PALA, nasa harap ko na, di ko pa nakita dati. Bakit di ka nagparamdam? Eto na ung signal ni God para sayo? Para sakin? Basta, masaya ako dahil ikaw yung kaibigan ko.

Fact number 5: I wouldn't sleep without talking to you.


-Di ako makakatulog hangga't di tayo nag-uusap. Parang nakatatak na yun sa DAILY routine ko. :) Gigising ako ng nakangiti, matutulog ako ng nakangiti. Papasok ako ng nakangiti, at kakain ako na kayong 3 yung iniisip. :) Wag na wag mo ko kakalimutan kung di seryosong bubuntutan kita hanggang tumanda tayo!




KAHIT SAAN, kapag oras na oras na. Kaya sulitin muna kung anong meron at pangalagaan ang mga bagay na pang-forever.

MAGPAPAPARTY AKO DAHIL...

Hindi ako SMP ngayong taoooooon~!



Nandyan yung mga kaklase ko,sila Ate Pam, Rainne, Regina, Paula, INDEP, Noel, Jared, mga kaibigan ko, lalong lalo na yung si JL at sila Sir Jeff pati si Dreff >:D


Kanina, na-bored ako at naisipan kong i-text ang aking wagas na best friend. HAHA. Wala akong maisip na ireregalo sa kanyaaaaa Ano ba magandang iregalo kay Jl? Necklace? Pillow? T-Shirt? Ring? basta wag na letter. Kase sobrang dami ko nang letter na nabigay sa kanya :))

Maya maya, pagtingin ko sa CP ko, nagreply na pala siya. Sabi niya: "Uy. Nakabili na ako ng regalo sayo:)" Edi lalo ako na-pressure. Ano ba gagawin ko? Bibili na ba ako? Naisip ko nga na yung pera na ibibigay sa akin para pambili ng regalo ko sa sarili ko (YES. BIRTHDAY ko sa 29, i-greet niyo ko:D ) yung ipambibili ko ng regalo para sa inyo total naman contented na ako sa mga blessings na natanggap ko~ Sana naman makalabas ako ng bahay before Christmas Party. 

Na-pe-pressure ako >:D BUSY AKO HAHAHA/

"I love how I can be myself when I'm around you and not have to worry about you judging me."

-at nagpapasalamat ako dahil dun :)






☁℘.S: Kagabi...

NAG-IYAKAN KAMI....


Wagas na kung wagas, korni na kung korni :)

Minsan unexpected talaga yung mga pangyayari. Lalo na kung yung makikita mong umiiyak eh yung mga taong importante sayo. Kaya habang umiiyak sila, napapaiyak ka na rin kahit di sinasadya :) 

Sa Monday...

Magdadala ako ng panyo. Kaso pagnagdala ako ng panyo, lagi naman nahuhulog at nadudumihan. Kaya sinabi ko sa sarili ko, magdadala lang ako ng panyo kapag alam kong iiyak yung mga taong nasa paligid ko :)



Gusto ko magsorry dahil...

"The only reason everyone holds onto memories so tight is because memories are the only thing that doesn't change when everything else does."



Sorry Ate Pam, Rainne, Paula, Regina, Anna, Noel, Jared, Zac, at sa iba pang mga kaibigan ko :)

Ano ba ang kaibigan?

1) Kadamay mo
2) Laging kasama
3)Solusyon
4)Kasiyahan
5)Maaasahan

Yan yung limang words na tatatak sa isip mo kapag sinabing kaibigan. Pero kung ilalagay ko yung sarili ko sa CRITERIA na yan, 0 yung score ko. Bakit? Una, ginawa ko lang to para magsorry talaga. Kase, these past few days or weeks, wala ako sa tabi niyo. Paminsan nga iniiwanan ko pa kayo. Dahil yun sa lagi kong kasama si Jl hindi ba? Pero wag niyo sana isipin na inaagaw niya ako sa inyo. Mabait si Jl aminado naman tayong lahat. Maraming tao yung nagsasabi na baka may tinatago siyang hidden trait or masamang ugali. Bakit? Lahat naman tayo MERONG BAD TRAITS. At ano yung gagawin natin para hindi tayo magmukhang masama sa tao? Di ba itatago niyo rin naman to? Nagkataon lang talaga na mas konti yung bad traits ni Jl sa inaakala ninyo. :) Sa tingin niyo ba, mas gugustuhin kong kasama si Jl kung alam kong masama yung ugali niya?

Hindi diba? :) Kaya sana, intindihin niyo rin siya. Namimis-understood niyo rin kasi kami paminsan. Akala niyo 'in a relationship' kame. Pero hindi. 

Ang mga tao, makakita lang ng babae at lalaki na magkasama, ano unang lalabas sa isip? Masyado kase ang mga tao ngayon. Walang pakundangan. Isip ng isip, kalat dito kalat doon. Masyado na tayong matalino para pag-isipan pa ang mga bagay na wala naman talaga kinalaman sa kanila. 

Sorry, sa mga kaibigan ko na nawawalan ako ng time halos palagi. Halos araw-araw. Pero kase sa ngayon, gusto ko muna maghanap ng paraan at rason kung paano ko masasabi sa inyo na MAHALAGA kayong LAHAT sa akin. At someday, gusto ko maging proud kayo na naging kaibigan niyo ko.

Mahirap talaga ang buhay no? Sabi nga nila, "Life is all about choices. You make the wrong choice, but sooner you'll learn from them and make everything right."

Saturday, 10 December 2011

All smiles ako lagi dahil....

"I'm surrounded by the BEST persons here on Earth."


Dati...


Nangarap ako na sana may kaibigan akong tulad nito..


Dati, mag-isa lang ako. Kung magkaroon man ako ng kaibigan, they'll always find people na mas ASTIG, mas MATALINO, mas MABAIT, and I can't match their expectations. Kaya mas minabuti kong mapag-isa na lang at maging loner. Paminsan rin naisip ko, "Bakit ganun? Kahit na ibigay ko yung best ko.. di pa rin sapat..?" Naging manhid ako, naging plastik ako, para lang magustuhan ako ng mga taong nasa paligid ko.

And by this time, gusto ko naman makita nila kung ano YUNG AKO. At little by little nararamdaman ko na hindi ko kailangang magbago or magpakaplastik para magustuhan nila ako. Dahil ang tunay na kaibigan, yung tinatanggap ka sa mga IMPERFECTIONS MO at yung gagawa ng way para MAAYOS yung PAGKAKAMALI MO. 

Kulang yung isang araw para sabihin sa mga taong to kung gano nila ako tinulungan. Hindi lang GUIDE,  hindi lang TEACHER, hindi lang SIR, kundi SUPER FRIENDS. Nadaanan ko na yung mga mahihirap na problema at Sir Jeff, you never gave up on talking to me and giving me advice. Mahal na mahal na mahal ka namin sir, kaya kayo nirerespeto at lalo pang MINAMAHAL ng mga students niyo kase natural na sa inyo yung maging mapagmahal din sa kanila. Proud ako at sobrang saya ko na naging sir ko kayo :)

At syempre kapag nandyan si Sir Jeff, andun din yung isa kong kaklaseng naging importante din sakin. And always will be important. Hi Drefferson :) 

Alam mo, Ang pagpapahalaga na pinaparamdam sayo ng mga tao, yun din yung pagpapahalaga na gusto nilang iparamdam mo sa kanila...

You may have failed at first pero nakita namin na gusto mo ring baguhin yun at sa mga nakikita namin, you might have changed for the better. Wala akong hinangad na gawin mo or masabi mo, kase sa totoo lang, di naman ako nag-expect na maging close tayo. Pero things happen for a reason. Naging close tayo sa isang parte ng buhay natin at for once, nagkabati rin tayo. Naalala mo nung elementary? Lagi tayo nag-aaway at may one time pa nga na nag-away tayo for a year. 

Ang bait talaga ni God no? Kahit na alam kong naging masama akong tao, hindi niya pinaramdam na walang nagmamahal sa akin.

Kayo yung dahilan kung bakit gigising ako sa umaga na tatawa na lang ako mag-isa kase naiisip ko yung mga bagay na pinagsamahan natin.. even though it wouldn't last forever. It will be kept inside my memories hanggang tumanda ako. I love you Sir Jeff, Dreff, Jl :) 



Eh kase...

"I'm lucky."


Kanina, katext ko yung isa kong girl classmate. Sabi niya sakin:

"Ang swerte mo naman... may best friend kang kagaya niya.. sana ako rin..:)"


I know. Talagang maswerte ako na may best friend akong EPAL, MASAYAHIN, DEPENDABLE, RESPONSABLE, MASAYA KASAMA, FORGIVING, UNREASONABLE, CUTE, MATALINO, MABAIT,NEVER GIVE-UP, LISTENER.

Ano pa ba hahanapin ko? Eh maswerte na nga ako sayo :)) Syempre lahat tayo may bad sides. Pero bakit ganun? Minamahal ko pa lalo yung bad sides mo? MANA MANA LANG NAMAN DIBA? :) Siguro kase, wala namang perpekto sa mundo pero para sa akin, ikaw yung perfect best friend. OO, unreasonable ka paminsan at epal. Lalo na pag nagjojoke ako. Alam ko naman corny ako HAHAHA :)))

ISA SA MGA HINDI KO MAKALIMUTANG PANGYAYARI SA BUHAY KO PAG KASAMA KA AY...


Nung Thursday,


Habang nilalagay ko yung mga books ko sa locker, nakita ko yung script natin para sa Roleplaying sa AP. Natuwa ako kase may excess pa just in case na may mawalan. Tapos nung pinatong ko sa table, pagkakuha ko ng paper, di ko namalayang naka-angat pala yung likod ng stapler. Heto, ayun, sumakit ng sobra yung daliri ko kase pumasok yung stapler sa kamay ko. Haha anong tawag sakin?

EDI...

Pero kahit ganun, nag-alala ka parin kahit na tumatawa ka. Paminsan talaga hindi rin kita maintindihan eh.. pero masaya ako kase kahit na ganun, napapatawa pa rin kita. At tuwing umaga, masaya na ako makita lang yang  KILLER SMILE mo.

Magiging mabuti akong kaibigan until the end. That I promise you, Jl. :)


-Lagi namang ganito eksena natin diba? Pareho pa tayong ma-drama. O EDI ANO PA BA? MANA MANA LANG YAN :D


Letters ✉


Kagabi, tawa ako ng tawa.

Kase sobrang saya kausap ng kaibigan ko 

Tapos, naalala ko bigla yung kalokohang ginawa ko sa kanya. Sobrang importante pala ng paper. Lalong lalo na kung yung laman nung paper eh "goodbye letter". Nung una, akala ko kapag napunit ko yung katiting na papel na yun, wala lang sa kanya. Nagulat lang ako nung makita ko yung mga classmates namin na nag-circle sa chair niya. As if naman matitiis ko yun? Syempre, kahit papaano meron pa rin kaming pinagsamahan. Kahit na wala pa kaming 1 year na pinagsamahan, best friend kagad kita. Nakakapagtaka no? Parang magic. :)

Tapos nung SEATMATE pa kita, kapag sasabihin nung teacher...
Lahat kami papalibot sayo, AKO, si JUAN MIG, si DANIELLE, tapos kapag nakita tayong apat na naghihiraman, lalapit din yung iba tapos makikihingi. SALAMAT TALAGA!

ANG SWERTE NAMIN NA IKAW YUNG KAIBIGAN NAMIN. 


Friday, 9 December 2011

Pagkasama ka...

PAGKASAMA KA:

-lahat ay masaya
-laughtrip
-moody
-nagiging proud ako
-nagiging feeler ako
-humahaba yung topic
-gumagaan yung pakiramdam ko
-SAMAKATWID, I'M BETTER WITH YOU

BECAUSE,

"I can take all the madness the world has to give. But I won't last a day WITHOUT YOU."

Bespren, lagi mo tatandaan, proud na proud ako sayo. Wala ka mang gawin or sabihin, sapat na yung lagi mo akong tinutulungan tsaka lagi kang nandyan. Siguro nga.. may time na talagang kailangan na nating mag-separate. Lagi tayong tinutukso at iniiwasan mo na rin ako dahil dun. Pero bago mo ako iwasan, magpaalam ka sakin. Masakit kase sa pakiramdam na may taong umiiwas sayo na para kang virus. Proud ka sa akin, sinasabi mo yan, at nafaflatter ako. haha. Sorry sa pagtapon ko ng goodbye letter na binigay ko rin sau. Yaan mo, sa last day ng 4th quarter, babawi ako sayo. 

Next year, magkikita pa rin tayo. KUNG HINDI KA LILIPAT, edi masaya. Pero kung di tayo classmates, syempre, ang technique mo? "MAGHANAP NG BAGONG BEST FRIEND." Nape-predict ko na yung mangyayari if ever mang ganun, pero, sana wag mo ko kakalimutan.

Tinanong nga kita kanina. Sabi ko, : "Pano kaya kapag di tayo classmates next year?" sinagot mo lang ako ng "EWAN. ikaw?" tapos ako, natawa ako. Sabi ko: " Siguro mababawasan ung mga araw na lagi akong nakangiti.." tapos sabi mo: "Ako, hindi siguro ako ganun kaingay at kasaya.." 

Wag ka magbabago. Sabi ko nga sayo dba, after 10 years. Hahanapin kita tapos haharap ako sayo na maipagmamalaki ko lalo ung sarili ko. Nag-iisip pa ako ng ireregalo sayo eh. Tsaka one day, masasabi ko na rin na "Naging independent ako kahit wala ka..." kaya mo yan. SLR AKO :) 

Merry Christmas Jl, 


-LEI