NAVIGATION

Monday, 19 December 2011

F-Independence

Nagpromise ako sa isa kong KAIBIGAN. Sabi ko, gagawan ko ng POST ang BAWAT kaklase namin :D Kaso lumilipad at pakalat kalat si katamaran. :(( Ayun, so lalahatin ko na lang.

Ngayon lang ako naka-experience na pagpapasok ako sa classroom, tatawa ako agad. Para bang nababaliw na. Kase, sa klaseng to, di ko naranasang MA-OP o MALUNGKOT ng sobra. Oo, paminsan drama, away, gulo, landian, pero that's what makes up a High School Life. Marami mang magsabi na malandi ako dahil puro lalaki kasama ko, bakit? Alam ba nila kung ano yung pinag-uusapan? At agree ako na magkaiba talaga ang babae at lalaki. But sometimes, we all cry for no reason.

"I hope one day you will have the experience of doing something you do not understand for someone you love."


Ano nga ba ang love?


Eto ba yung pakiramdam na tumitibok-tibok yung puso mo pagnakikita mo yung crush mo or kinikilig ka in short? Eto ba yung tumatayo yung balahibo mo makita mo lang siyang ngumiti? Para sa akin kasi hindi. Ang love, random yan, napakasimpleng bagay na ginagawang kumplekado. Na para bang mas gugustuhin mong makasama yung mahal mo at ipagpapalit sa mga kaibigan mo :) Pero syempre, ang crush, love, friends, pagmamahal din naman yan eh. Hindi nga lang nagkakapantay-pantay yung pagbibigay mo ng love sa bawat isa. Edi sana hinati hati na lang yang puso no?

Ngayon masasabi ko na, MAHAL KO TALAGA ANG INDEP.
First day, first impression. Mahirap makisama, halo-halo, magulo. Pero bakit ganun? Saktong pagpasok ko, unang tapak sa classroom, "WOW. Parang ang saya naman dito." At hayun na nga, naging maluwag ung pakiramdam ko. SOBRANG KOMPORTABLE, ang sarap sa pakiramdam. Tapos nung lumabas ako saglit, nakita ko papasok na yung mga teachers sa kani-kanilang classroom, (si katangahan ay nagpakita) Sa sobrang pagmamadali ko, IBANG CLASSROOM PA YUNG NAPASUKAN KO. HAHA.

Edi eto na nga. Pasimpleng walk out. Ang kinatatakutan ko, introduction. Lagi kase akong nanginginig kapag tumatayo ako sa gitna. Parang konting tulak lang sa akin mahihimatay na ko. Pero worth it yung pagpapalakas ng loob ko. Kase dun ko nalaman na hindi lahat ng tao hinuhusagahan at nanghuhusga.

Marami akong naging kaibigan sa Indep. Sa totoo lang, halos lahat naman sila kaibigan ko. Pero kung di ko siguro sinabi yung "Tawagin niyo lang ako, tutulungan ko kayo.." di niyo rin siguro ako papansinin? :) At alam ko.

"I didn't have any regrets on our first day, still no regrets on the 2nd day, 3rd day, 4th day, until forever."

Lahat ng nangyayari may dahilan. Kaya sa mga kaibigan ko sa Indep, sa mga kaklase ko sa Indep, kay Vedeo, Lea, Anna, Paula, Rainne, Regina, Jl, Rheann, Aira, Keisha, Danielle, Juan Mig, Dreff, Geremy, Diego, Zac, Knoll, Noel, Ish, Jared, Hannah, Neil, Ej, Marinus, Ate Pam, Marinel, Geraldine, Mikael, Joneina, Mikah, Karen, Rose Anne, Markiel, Yumi, Cynthia, Hapi, Dareyll, Larisa, Jomari, Victor at Sir Jimai, SALAMAT PO TALAGA. Magtatapos yung 2011 na MASAYA AKO at PROUD AKO na KAKLASE KO KAYO :)


No comments:

Post a Comment