NAVIGATION

Tuesday, 27 December 2011

Sa birthday ko..

1 day na lang. Ayoko pa. 


Kagabi at ngayon. Ang daming suspension. Ang daming disappointments.

Haha puge. Alam niyo ba, paulit-ulit na ako humaharap sa salamin? Tinatanong ko yung sarili ko,

"Bakit kaya may mga taong magtitiis para lang makapunta sa birthday ko?"
"Bakit may mga taong handang magkunwari para lang masatisfy yung gusto ko?"
"Bakit may mga taong magmemake time kahit na busy sila para lang makaattend sa birthday ko?"


Papahirapan ko pa ba kayo? Ayoko ng ganun eh. For once, wag niyo ako isipin. Hindi ako perpektong tao. I have my limit. Nagkukunwari ako na ok lang sa akin na wala kayo or di kayo makapunta kase alam ko may rason kayo. Pero to tell you the truth, OO NAGPAPAKAPLASTIK LANG AKO. SA TOTOO LANG, AYOKO NA WALA KAYO SA BIRTHDAY KO. GUSTO KO MAGING MASAYA KAYO SA ARAW NA PINANGANAK AKO. Nagplano pa nga tayo. Actually kayo pa una nakaisip na magcelebrate. Pero ok na, na-settle na. Tuloy pa rin ang birthday ko.

Salamat kay sir Jeff :) Ayos na naman lahat. May oras na nasabi ko na napapagod na ako sa kakaintindi. Pero yan ang trabaho ko. Bilang kaibigan niyo, adjust ng adjust, intindi ng intindi, may magagawa ba ako? Alangan namang ipagpalit niyo ako sa sarili niyong pamilya at reputation? Syempre masaya ako na ganun yung pagpapahalaga ninyo sa pamilya.

Heto na naman. Magmemessage ako uli.

Dreff,

        Sorry talaga sa pang-iistorbo ko sayo. Nakukulitan ka na ba? haha. Sorry ah. Pero kahit na alam kong busy ka tapos sa umaga may pupuntahan ka, sa hapon makakapahinga ka pa dapat kaso imbes na yun yung gawin mo, pupunta ka pa sa birthday ko. Nako. Haha. Pagpasensyahan mo na sana ako :)





No comments:

Post a Comment