NAVIGATION

Tuesday, 13 December 2011

At dahil nga...

gift ni BESPREN 

|Mahirap gumalaw sa mundong pinapaikot ng mga taong nasa paligid mo, pero sabi ni sir Jeff...|

It's not my duty to please them. HINDI ako nabubuhay para lang mapasaya sila. Which is true naman. 

I never wished for somebody to stay just because i say so. i just wanted someone who will stay even though i was pushing him away.

Hindi ko sinabi na gusto kong mapalayo sayo, in fact yung kabaliktaran nun yung gusto kong mangyari. At masaya ako na kahit ganun, kahit na nagpaplano tayo na layuan yung isa't isa, kahit na naka-ilang last day na, wala pa rin talaga. KASE HINDI NATIN KAYA. Actually, hindi na ako takot na tanungin nila tayo kung "Tayo ba." kase alam naman natin yung totoo. Sabi mo nga: "Bespren kita, kahit anong mangyari bespren parin kita. At damay damay lang yan.." 

TO be honest, naiinggit talaga ako sayo, insecure ako sayo, nagseselos ako sayo, kase kahit na sinasabi mong NABAGO kita for the BETTER, at nakakahawa yung KABAITAN ko, MAS MABAIT KA AT MAS BINAGO MO AKO. Sabi mo, IMBA ako na best friend. Matalino, IMBA sa Piano, IMBA sa LETTER, CUTE PA, geh. binuking kita :))) Pero seryoso, kung wala ka at hindi kita nakilala, hindi siguro ako matututong magpahalaga sa mga bagay-bagay.

Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto baguhin yung nakalagay sa Christmas Tree natin sa classroom. Yung wishlist, gusto ko ilagay dun:

1) Sana araw-araw kita makikita para naman hindi ako nalulungkot.
2) Sana nakilala kita nung bata pa tayo.
3) Sana mas maintindihan tayo ng mga tao.
4) Sana best friend pa rin kita hanggang pagtanda.
5) SANA MABAYARAN KO LAHAT NG UTANG NA LOOB KO SA YO.

Magpapakatotoo ako, hindi ko talaga ineexpect na magiging ganito tayo ka-close :) Wala akong ineexpect. No worries, no problems, pero kung wala yung TAMPUHAN, wala yung BIRUAN, wala rin namang TAWANAN, at IYAKAN. At pansin ko lang, kapag umiiyak tayo, dahil rin yun sa magandang dahilan. Salamat sa araw-araw mong birthday gift sakin.

Kapag nandyan kayo sa tabi ko, sapat na yun for EVERYDAY CHRISTMAS, at EVERYDAY GIFT :)

JL :)

-Salamat talaga nandito si Sir Jeff :D




No comments:

Post a Comment