Sorry Ate Pam, Rainne, Paula, Regina, Anna, Noel, Jared, Zac, at sa iba pang mga kaibigan ko :)
Ano ba ang kaibigan?
1) Kadamay mo
2) Laging kasama
3)Solusyon
4)Kasiyahan
5)Maaasahan
Yan yung limang words na tatatak sa isip mo kapag sinabing kaibigan. Pero kung ilalagay ko yung sarili ko sa CRITERIA na yan, 0 yung score ko. Bakit? Una, ginawa ko lang to para magsorry talaga. Kase, these past few days or weeks, wala ako sa tabi niyo. Paminsan nga iniiwanan ko pa kayo. Dahil yun sa lagi kong kasama si Jl hindi ba? Pero wag niyo sana isipin na inaagaw niya ako sa inyo. Mabait si Jl aminado naman tayong lahat. Maraming tao yung nagsasabi na baka may tinatago siyang hidden trait or masamang ugali. Bakit? Lahat naman tayo MERONG BAD TRAITS. At ano yung gagawin natin para hindi tayo magmukhang masama sa tao? Di ba itatago niyo rin naman to? Nagkataon lang talaga na mas konti yung bad traits ni Jl sa inaakala ninyo. :) Sa tingin niyo ba, mas gugustuhin kong kasama si Jl kung alam kong masama yung ugali niya?
Hindi diba? :) Kaya sana, intindihin niyo rin siya. Namimis-understood niyo rin kasi kami paminsan. Akala niyo 'in a relationship' kame. Pero hindi.
Ang mga tao, makakita lang ng babae at lalaki na magkasama, ano unang lalabas sa isip? Masyado kase ang mga tao ngayon. Walang pakundangan. Isip ng isip, kalat dito kalat doon. Masyado na tayong matalino para pag-isipan pa ang mga bagay na wala naman talaga kinalaman sa kanila.
Sorry, sa mga kaibigan ko na nawawalan ako ng time halos palagi. Halos araw-araw. Pero kase sa ngayon, gusto ko muna maghanap ng paraan at rason kung paano ko masasabi sa inyo na MAHALAGA kayong LAHAT sa akin. At someday, gusto ko maging proud kayo na naging kaibigan niyo ko.
Mahirap talaga ang buhay no? Sabi nga nila, "Life is all about choices. You make the wrong choice, but sooner you'll learn from them and make everything right."

No comments:
Post a Comment