Kagabi, tawa ako ng tawa.
Kase sobrang saya kausap ng kaibigan ko ツ
Tapos, naalala ko bigla yung kalokohang ginawa ko sa kanya. Sobrang importante pala ng paper. Lalong lalo na kung yung laman nung paper eh "goodbye letter". Nung una, akala ko kapag napunit ko yung katiting na papel na yun, wala lang sa kanya. Nagulat lang ako nung makita ko yung mga classmates namin na nag-circle sa chair niya. As if naman matitiis ko yun? Syempre, kahit papaano meron pa rin kaming pinagsamahan. Kahit na wala pa kaming 1 year na pinagsamahan, best friend kagad kita. Nakakapagtaka no? Parang magic. :)
Tapos nung SEATMATE pa kita, kapag sasabihin nung teacher...
Lahat kami papalibot sayo, AKO, si JUAN MIG, si DANIELLE, tapos kapag nakita tayong apat na naghihiraman, lalapit din yung iba tapos makikihingi. SALAMAT TALAGA!
ANG SWERTE NAMIN NA IKAW YUNG KAIBIGAN NAMIN. ♡


No comments:
Post a Comment