NAVIGATION

Saturday, 7 January 2012

January 6, 2012

「一人じゃないよ」I'm not alone. 


I'm not really stating everything that "one special person" said. But I will state some details.
Mahirap mawalan ng kaibigan. Lalo na kung yung kaibigan mong to, best friend mo na, sobrang close niyo pa, at isang araw sasabihin sa yo na layuan mo siya. Ayaw ko pero kailangan. Pero it doesn't mean na gusto kong layuan ka or sunud-sunuran ako at agree ako sa reason bakit ako pinapalayo. Una, eto na yung pinakakinatatakutan ko. Yung day na akalain ng iba na may "SOMETHING" tayo. Yung tipong akala nila, wala na tayo sa friendzone. Sabi sa akin ni Sir Jeff, "Masyado ka mabilis magpaapekto sa tao. Wag ganun. Masama yan. At eto pa, ONCE NA NAHANAP MO NA YUNG TRUE FRIEND MO, WAG MONG PAPAKAWALAN." Yun yung ginawa natin. We stayed together araw-araw. Naalala mo pa nung kinakausap natin si sir Jeff? Sabi natin, natatakot tayo na baka umabot sa teachers na lagi tayo magkasama at mag-isip sila ng iba? Eto na yun. JACKPOT DRE. TAMANG-TAMA. Dumating na nga sa point na kinausap na ako at yun nga, layuan kita. Nangyari yun kahapon. Nung dapat pupunta tayo kay Sir Jeff para sabihin na tutulong tayo sa steps sa cheerdance, Pero naisip ko na baka lalong maghinala yung mga teachers sa atin, wala nga tayong tinatago, pero hindi madaling magdeny sa taong hindi ka lubusang kilala. Kaya nauna ka ng pumasok sa Nook. Sakto naman na habang naghihintay ako sa labas ng nook, lumabas si Sir (Adviser) natin. Kinausap niya ako ng masinsinan. Una akala ko joke joke lang. Pero naging seryoso siya. Hindi ko alam gagawin ko. Akala ko nga nun paiyak na ako. After naman umalis ni sir, lumabas ka ng nook at nakasmile ka parin. Sabi mo, tara na. Namumutla ako nun. Naiiyak ako. Pero di ko pa nasasabi sayo. Instead, sinabi ko na lang "mauna ka na." Nawala ka sa paningin ko nun. Ang daming tao. Parang feeling ko nakatayo ako sa taas ng globe tapos lahat ng tao nagsisiksikan sa daan kung saan ka papunta. Sa wakas nakita kita sa baba. Kasama natin sila Ate Pam. Natutulala ako tapos ikaw nakikipag-usap ka kay Juan Mig ata? Then nagkaroon ako ng chance na sabihin sayo na layuan kita because of the reason nga. Heto na naman. Nagdadabog tayo. Pero wala tayong magagawa. We know what will happen. Kaya minabuti natin na layuan muna yung isa't isa. Kahit na alam natin na best friends lang tayo, wala eh.

"Mahirap pakawalan or layuan ang isang tao para lang sa maling dahilan. Lalo na kung napakahalaga niya na sa buhay mo."


You will always be my BESPREN. Kahit anong mangyari, lagi lang ako nandito. Hayaan mo na kapag bumalik ung pagiging loner ko ah. It's none of your business naman na..di mo naman to kasalanan. Maging happy ka muna in your own. Tapos when things calm down, kakain tayo ng maraming maraming double dutch ice cream. Maglalaro tayo sa Tom's World. Kasama natin sila Rainne, Dreff, Ate Pam, Sir Jeff, Teacher Rizza, Jeanne, at yung iba pa. Tapos magvivideoke tayo sa Quantum. Tapos icecelebrate natin yung best friend day natin sa 17 diba? Tapos babawi ako sa mga kasalanan ko sayo. Pero mangyayari lang pala yun kapag naintindihan na tayo ng mga tao :) after 3 years dre. Promise ko yan.


No comments:

Post a Comment